Muli akong nagbaliktanaw sa isang kahapon…ang tamis at ang pait nito ay nagpapaalala sa akin na ang lahat ng bagay sa daigdig ay may sariling panahon.
Bakas ng Lumipas
Biyernes na at uwian na naman. Bakit ba kay dali ng araw? Pakiwari ko’y mabilis lang yata ang takbo ng panahon. Ramdam kong nagmamadali ang oras at tila ba may hinahabol. Talagang nakakahilo ang bawat pag-inog ng mundo. Naimpake ko na ang lahat ng aking mga dadalhin at ako’y papaalis na. Hinagod ko muna ng tingin ang kahubaran ng paligid. Tahimik. Walang sigla. Parang isang patay na pook. Walang kabuhay-buhay. Ang ingay na kanina pa lang nag-uugungan ay biglang naglaho na parang usok. Napansin kong nagsiuwian na ang lahat. Walang nagpaiwan.
Kalong ko na ang traveling bag. Natigilan ako sandali. Minsang paglingon ko’y natanawan ko ang isang libo’t-isang laksang kalungkutan na bumabalot sa isang napakalumang cottage. Ang sabi-sabi ay tira pa raw ito ng giyera noon at matagal din bago binalikan at tinirhang muli. Habang nag-aaral sa kolehiyo, sa lumang bahay na ito ako nakatira, nakibaka at natoto ng maraming bagay sa buhay. Ayaw kong damhin at daluyungin ang ibayong pangungulila sa aking pag-alis. Gusto ko nang iwaglit ang mga alaala ng mga nakalipas at ligaw na inahinasyong harot na sumasayaw sa isip ko.
Para akong naglalakad na nagbibilang. Marahan kong pinagmamasdan ang likas na kagandahang taglay ng SNAS pati na ang kabuuang sulok nito. Ngayon ko lang napansin na kahit saan mang direksyon ka titingin iisang kulay lang talaga ang iyong makikita, ang namamayaning kulay berde.
Dumidilim na ang paligid. Bumubuwag na ang maiitim na ulap sa himpapawid at tila uulan. Ang malamig na simoy ng hangin ay marahang dumadampi sa aking maselang katawan.
Pumapatak na ang ulan. Malakas! Bago ko naisipang tumakbo patungong Bangkal waiting shed ay nabasa na ng walang habag na ulan ang aking kabuuan.
Naglalangitngit ang panahon sabay ang nakabibinging ingay na likha ng kulog at kidlat. Nagpapalala ng aking panlalamig ang pambihirang ginaw sa paligid. Habang ginagala ang paningin, ang isip ko naman ay naglalakbay na parang tuksong idinuduyan ng imahinasyon at tuluyan nang nakasulyap sa nakaraan.
Malamig ang buwan. Isang gabi na walang kasing panglaw ang sumasalubong sa akin. Pilit kong inaliw ang sarili at pinaagmamasdang maigi ang makakapal na ulap na nakatabon sa bilog na buwan habang ang konting liwanag nito’y patuloy na tumatanglaw. Hanggang sa ngayon ay ginugulo at nililitis ang utak ko ng maraming mga katanungan na paulit-ulit sa aking balintataw. Bakit ba kay hirap abutin ang isang kapirasong pangarap? Sa tagal ng panahong inaalagaan ko ang isang munting hiyas ng karunungan, kailan ma’y hindi ko nalasap ang tamis ng kaligayahang taglay nito. Hindi pa siguro napapanahon, hndi pa siguro.
Sa katunayan ako ay binago ng panahon at tuluyan nang nakipagsabayan sa pagsulong. Ang larawang iyon ay di maiwawaglit sa dalampasigan ng aking kasaysayan. Habang ako’y nabubuhay kailangan kong maging marahas at matapang upang sa gayon ay malasap ko ang lamukot na tamis.
“Brod!” isang tinig.
“Sukli mo,” aniya ulit.
Parang namalik-mata ako, halatang nabigla at nagulat. Inabot sa akin ng maamong conductor ng jeep ang limang baryang peso. Hindi ako makapaniwalang nasa Aras-asan terminal na pala ako. Naramdaman ko na lamang na may luhang humihilom sa aking mga mata. Nang makababa na ay nababanaag at namumutawi sa aking mukha ang isang sigla- ako’y kiming napatawa.

Char... ANg galing ni Titser!!! Honor & glory are coming to you in due season!
ReplyDeleteSalamat Sir Joey...thanks for reading it.
ReplyDelete