Saturday, November 17, 2007

Walang Maliw na Pag-ibig

There is no greater love than the love that holds on when there is nothing left to hold on to. In this short story I portrayed the endless love of two lovers who believe they could be immortals forever....
Walang Maliw na Pag-ibig
(Tagalog)

Hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang madalas sumasagi sa isip ko. Isang taon na ang lumipas. Kung pakaiisipin ay mahabang panahon na rin iyon. Sa loob ng isang taon ay marami na ang nangyari at nabago. Ngunit ang pagmamahal ko sa’yo, iyon lang ang alam kong hindi nagbabago. Hindi ko masukat kung gaano kalalim ang pagkakabaon ng iyong alaala sa puso ko. Minsan talaga may mga tanong na mahirap ihanap ng kasagutan. Ganoon daw ang buhay. Ang lahat ng bagay sa daigdig ay nagaganap na may dahilan.

Sa linggong ito ay napadalas ang pagliwaliw ko sa mga disco bars, party at beer houses. Paano ko ba matanggihan ang paanyaya nina Jake, Mike, Shena at Ella? Naisip ko rin na kailangan kong ilabas mula sa loob ang mga hinanakit ko sa buhay. Tama sila, kailangan paminsan-minsan ay pagbigyan ko namam ang aking sariling malibang.

Sila ang palagi kong kasama. Hindi na kasi sila iba sa akin at maging sa iyo rin. Hindi ba sila ang tinuturing nating mga tunay na kaibigan? Sila ang mga kaibigan natin na hindi nang-iiwan. Sa oras ng aking kawalan, sila ang nagsilbing lakas ko. Sila ang walang sawang dumamay sa akin sa panahon ng aking kalungkutan at pilit nila akong pinasaya.

Halos sa lahat ng oras ay kasama ko sila. Inuman dito, sayawan doon. Sa loob ng nagkikislapang ilaw sa disco bars, sa mabubulang beer at sa madagundong at nakaiindak na tunog ng musika ay naisabay kong inilabas ang aking mga halakhak na matagal ding nagtago sa aking puso. Kakaibang saya ang naramdaman ko. Nagawa ko iyon ng malaya at walang pag-alinlangan. Talagang iba ang saya kapag kasama ang tropa. Tawanan, sigawan, bulyawan, tawanan ulit!

Itong si Ella hindi pa rin nawawala ang pagkakwela. Madalas ito ang nangunguna sa pagpapatawa. Naalala ko tuloy noong mga araw kung paano ka niya pinatawa nang pagkalakas-lakas. Naging kantiyaw na niya sa akin noon iyong mahubad ang pang-ibaba kong costume sa stage play namin na “Romeo & Juliet”. Hindi naman ako nagalit. Dahil nga sa kantiyaw niyang iyon ay nagkakilala tayo. At noong unang nabungaran at nasilayan ko ang iyong mukha ay iba na agad ang naramdaman ko. Kapag kaharap kita ay natataranta ako. Noon pa man ay alam kong umiibig na ako sa’yo. Salamat kay Ella. Sila na nga pala ni Jake ngayon. Biruin mo, nagkatagpo ang landas ng dalawa? Hindi talaga kami makapaniwalang sila na nga. Ikaw din siguro ay mabibigla. Pinaka- hate ni Ella ang chickboy. Si Jake naman ay ayaw niya sa mga babaeng masyadong magaslaw at liberated. Ang hinahanap niya ay iyong tipong Maria Clara kung kumilos. Mahilig siya sa mahihinhin at pinung-pino kung kumilos dahil iyon daw ang totoong dalagang Pilipina.

Sia Mike at Shen naman ay going steady na. Sa susunod na taon ay magbabalak na silang suungin ang buhay mag-asawa. Alam naman natin kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

Marami na nga talaga ang nangyari. Alam mo ba nang dumating ang araw ng pagtatapos namin noong isang buwan? Kaming apat ang tinawag na Cum Laude sa taung ito! Si Mike ay sa BS Accountancy, si Jake sa BS Civil Engineering, si Shen sa BS Banking and Finance, at ako naman sa BS Education. Siguro kung nandoon ka lang, malamang ay dalawa tayo sa larangang ito.

Malapit ko na rin matapos ang aklat na inaasam-asam kung mabuo iyong “The Life and Adventure of Zalduah” Sa pagsusulat ko sa aklat na ito ay nagiging inspirasyon ko ang ating kwento.

Nitong huli ay nagawi ang tropa sa Meteor Park. Diba madalas doon tayo noon pumupunta? Maganda pa rin ito. Ang sarap damhin ang simoy ng hangin. Hindi ko magawang hindi dalawin ang mga alaala ng nakalipas at kung may gusto man akong balikan sa alaala siguro ay iyong araw na sinagot mo ako doon sa mala-palasyong Meteor Park. Paano ko ba malilimutan iyon? Ang pook na iyon ang naging saksi ng ating pagmamahalan. Doon naramdaman ko ang iyong walang kupas na pag-aalaga at pagmamahal. Sa pook ding iyon naramdaman kong bung-buo ang aking pagkatao. Naging masigla ang mga sumunod na araw. Mababaw nga talaga ang kaligayahan ng isang taong umiibig.

Halos masuka na ako sa kalasingan. Alam mong hindi ako dating ganito. Minsan ay napikon ako kay Mike. Gusto ko pang uminom pero hindi na niya ako tinagayan.

“Mike isa pa!” para akong batang nagsusumamo. Nakita kong gaano kasaya ang aking paligid. Para akong inilutang sa ulap. Ang lahat ay parang kayang-kaya kong liparin.

“Tama na, nasusuka ka na eh,” tanggi nito.
Sa grupo natin si Mike lang naman ang hindi agad-agad na nalalasing.

“Mabuti pang sumayaw na lang tayo,” sambit ni Ella at Shen na halatang lasing na rin.
Niyaya kaming sumayaw sa gitna ng dance floor. Todo naman ang sayaw naming lima. Ang sarap ng pakiramdam!

Sa gitna ng kasiyahan ay bigla ulit kitang naalala. “Kung nandito ka lang sana, ako na siguro ang pinakamasayang tao sa buong daigdig,” naibulong ko sa aking sarili. Nawala agad ang sigla sa aking pagsasayaw. Bumalik ako sa upuan at minarapat na lang na panunuurin sila. Kinamayan ako ni Jake, nagtaka siguro siya kung bakit ako biglang bumalik sa table namin. Nginitian ko lang siya. Magkahalong emosyon ang naramdaman ko. Naglakbay na naman ang isip ko. Sa aking balintataw ay lumitaw ang iyong napakaamong mukha. Napangiti ako ng ubod ng luwang.

Ikaw ang nagturo sa akin kung paano mangarap, mali pala, ang totoo, ako lang pala ang bumuo ng mga pangarap natin. Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya. Pero hindi mo siguro napansin noon na habang kasama kita ay naramdaman kong naglalakbay ang iyong isipan sa malayo. Inilihim ko na lang ang sakit. Nagtaka ako kung bakit nag-iba ka na. Ganun ba talaga ang umibig? Mahal kita at yan palagi ang binubulong ng puso ko.

Sabi nila oras na umibig ka kakaibang saya ang mararamdaman mo, magbabago ang lahat, magiging kapana-panabik ang bawat sandali. Iyong kapag nakikita mo siya ay bumibilis ang tibok ng iyong puso, sumasaya ang paligid, lahat ay nagdidiwang. Higit pa roon ang naramdaman ko sa tuwing kasama ka.

Bakit ba hindi ko magawang limutin ang lahat? Minsan, nakatulugan kong yakap-yakap ang iyong larawan. Mahal na mahal pa rin kita. Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya at ikaw din ang dahilan kung bakit ako malungkot ngayon. Laging may kirot na kumukudlit sa aking puso sa tuwing nagigising ako sa umaga at naalalang wala kana. Bago ako natutulog sa gabi ay umiiyak ako. Ngayon lang ako nakaranas umibig at mabigo. Ang sakit-sakit pala! Pakiramdam ko ay may bahagi sa aking pagkatao ang nawala. Baliw na nga siguro ako sa pagmamahal sa’yo. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na patay ka na? Bakit hindi ko pa rin matanggap na iniwan mo na akong nag-iisa matapos ang sumpaan nating walang iwanan. Nang lumisan ka, tumigil ang pag-inog ng aking mundo. Dumating din sa akin noon na parang gusto ko na ring sisihin ang langit kung bakit ka pa kinuha sa akin.

Hanggang kailan ko ikukulong ang sarili sa iyong alaala? Lagi na lang akong nakakulong sa kahapon. Para akong sinaksak nang sinabi mong hindi mo na ako mahal!

“Hindi a kita pwedeng mahalin.” Minsan mong sinabi sa akin.

“Pero bakit? At sa aong dahilan?” nagtatakang tanong ko sa’yo.

“Dahil alam ko na ang lahat!Hindi kita pwedeng mahalin dahil magkapatid tayo!” paliwanag mo sa akin. Nakita ko kung paano dahan-dahang pumatak ang mga luha sa iyong mga mata.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga sandaling iyon. Kinirot ang puso ko. Hindi ako makapaniwala sa katotohanang iyon.

Gusto ko nang lumaya upang ganap na makalimot ngunit bakit hindi ko magawa? Kapag balikad na ang takbo ng orasan o kaya naman ay kapag berde na ang kulay ng dagat, siguro ay saka pa kita magawang kalimutan.

Nandito ako ngayon sa harap ng iyong puntod mahal kong Alma. Sa kinatatayuan ko ngayon ay naghahanap pa rin ako ng mga kasagutan sa mga tanong hinggil sa mahiwagang bumalot sa ating buhay. Bakit kailangan pang mangyari ang isang bagay? Bakit kailangan mo pang wakasan ang iyong buhay? Bakit mas pinili mong magbigti sa halip na mabuhay at lumaban?

Subalit hindi kita masisisi. Nagkulang din ako. Naging duwag ako dahil hindi kita naipagtanggol at naipaglaban mula kay Kamatayan. Tao nga lang pala tayo- mahina at marupok.

Paano ang magandang simula? Siguro kailangan ko na talagang tanggapin ng buong puso na ang nangyari ay bahagi na lamang ng isang alaala, isang bahagi ng aking pagpapatianod sa mas malalim na kahulugan ng buhay.
Inialay kong lahat sa iyo ang mga bulaklak na nasa iyong harapan ngayon tulad ng madalas kong ginawa noong buhay ka pa. Hindi na ako iiyak pa. Naniniwala akong magkikita pa rin tayo sa pangalawang buhay. Hanggang magpakailan man ito mahal ko. Makakaasa kang ako pa rin ito at ikaw pa rin ang iibigin ko.

Walang Maliw na Pag-ibig

There is no greater love than the love that holds on when there is nothing left to hold on to... In this short story

Pag-ibig at Pagkamuhi

This short story is an expression of my past broken relationship...it pains like a milliion pins pricking!
Pag-ibig at Pagkamuhi
(Tagalog)

Sa tantiya niya ay humigit-kumulang sampung taon na ang nakalipas mula nang sumakabilang buhay ang kanyang butihing tiyuhin.

Maglalabin-limang taong gulang pa lamang siya noon.Tandang-tanda pa niya ang tagpong iyon doon sa mismong silid ng kanyang tiyuhin kung saan nakahandusay ang wala ng malay nitong katawan. Walang nakakabatid kahit na sino man sa kanyang pamilya ng anumang dahilan nito para wakasan ang sariling buhay. Isang malaking palaisipan iyon na gumugulo sa kanya na ayaw na rin niyang tuklasin pa.

Mahal na mahal niya ang kanyang tiyuhin. Parang anak kung siya’y ituring nito. Kadalasan ang tiyuhin niya ang agad tinatakbuhan tuwing may problema na hindi naman siya binibigo. Ganoon siya kalakas at kamahal sa kanyang kinikilalang pangalawang ama na kapatid ng kanyang ina.

Nagtataka at nagtatalo ngayon ang kanyang isipan. Sino naman kaya itong si Jethro De Guzman na nakaalala pang sumulat sa kanyang tiyuhin na matagal ng naging abo? Wala naman siyang maaalalang ganoong pangalan na naging kaibigan ng tiyuhin. Maya-maya ay naisip niyang buklatin para basahin ang nilalaman ng sulat na kani-kanina palang niya hawak.

Dear Pareng Justin,

Kumusta ka na? Marahil ay nagtataka ka kung bakit ngayon lang ako nakasulat. Gusto kong sariwain sa aking isipan ang lahat ng mga magagandang bagay na nararanasan natin sa ating pagkakaibigan. Higit pa sa magkapatid ang turingan natin sa isa’t- isa. Lahat ng iyon ay magiging bahagi ng aking magagandang ala-ala.

Patawad Pare, hindi ako naging tapat na kaibigan dahil hindi ko napaglabanan ang aking sarili. Natuto akong magmahal sa isang babae na hindi ko naman dapat minahal. Matagal akong nakiamot ng kakarampot na kaligayahan sa iyo. Marami akong naging pangarap sa buhay, ngunit iisa lang pala ang too kong hinangad. Mahirap pigilin ang sariling iwasan o talikuran ang isang bagay na pinanabikan mong maging iyo lalo na’t abot-kamay mo na lang.

Alam ko kung gaano mo kamahal si Trix. Patawad Pare, sinuway ko ang anumang inilagay kong pagitan sa aking isipan at damdamin para bigyang laya ang damdaming matagal ko ring pinigilan. Iisa lang ang isasagot ko kung bakit ginawa ko iyon. Ang totoo ay mahal na mahal ko rin si Trix!

Noon pinilit kong binura sa aking isipan ang babaing kapwa natin mahal. Ginawa kong panansala ang aking nadaramang pagmamahal sa kanya, at maligaya kong ginawa iyon alang-alang sa ating pinagsamahan.
Umalis ako, nagpakalayo at matagal ding nawala. At sa aking pagbalik nabatid ko mula kay Trix na ako at ako lang ang minahal niya mula pa man noon. Hanggang sa nagpatianod kami sa aming di matatawarang pananabik sa isa’t-isa.

May anak na kami ngayon, si Dwight, isang mabait at matalinong bata.
Patawad Pareng Justin. Sana maunawaan mo kami. Mahal namin ang isa’t-isa. Sana’y mapatawad mo ako at si Trix.

Ang iyong kaibigan,

Jethro

Mariing kinagat niya ang kanyang mga labi, kasunod ang mabilis na pagdaloy ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Poot at galit ang namamahay ngayon sa kanyang dibdib. Samu’t-saring diwa ang pilit umalingawngaw sa kaibuturan ng kanyang katinuan. At doon unti-unting nabuo ang mga kasagutan sa mga tanong na hindi niya inaasahan, ang katotohanang nabalot ng mahabang panahon.

Nasasalamin niya ang kanyang sarili sa katauhan ng kanyang tiyuhin. Ganyan nga siguro ang umiibig ng labis. Naalala niya si Cindy. Kahit na sinasaktan siya nito ay naghahanap at naghahanap pa rin siya ng maidadahilan para habaan pa ang pagtitiis. Sobra-sobra kasi siya kung magmahal. Nais pa niyang ihambing ang sarili sa gamu-gamo. Kung hindi mapaso muna, hindi maniniwala. Kung mabubuhay din lang siyang nagkukunwaring mahal siya ni Cindy gayong alam na alam na niyang totoo sisimulan na niyang mabuhay na wala ito. Pipilitin niyang mabuhay na wala ito. Totoo pala ang kasabihan nilang gahibla lang ang pagitan ng pag-ibig at pagkamuhi. Nasusuklam siya sa mga katulad ni Cindy at Trix!

Minsan talagang parang may pangyayaring mahirap paniwalaan pero nagaganap lalo na kapag tadhana ang nakikialam. Pero tadhana nga ba ang may pakana ng mga nagaganap ngayon sa buhay niya at ng kanyang tiyuhin? Isa lang ang alam niya. Hindi niya sasayangin ang kanyang buhay sa isang huwad na pag-ibig lamang.